Saturday , July 27 2024

“No to kotong” sa panahon ni Yorme Isko (400% increase sa koleksiyon ibinida ng MTPB)

TUMATAGINTING na 400% ang itinaas ng koleksiyon ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kompara noong nakalipas na taon.

Ito ang ipinagmalaki ni Mayor Francisco “Isko” Domagoso sa mga empleyado ng Manila City Hall, sa kanyang talumpati kamakalawa.

Base sa pahayag ni Mayor Isko, iniulat ni MPTB chief Dennis Viaje na ang anim na buwang kinolekta ng nakaraang administrasyon ay katumbas lamang ng isang buwang koleksiyon ng kasalukuyang pamu­nuan ng lokal na pama­halaang lungsod.

Ibinida ni Isko sa mga empleyado ng city  hall na ang koleksiyon ng nakalipas na pamunuan ng MTPB ay P23 milyon lamang mula Enero hanggang Hunyo 2019.

Hindi hamak na mas malaki ang pumapasok na koleksiyon sa kaban ng lungsod sa panahon ni Isko dahil umabot sa P13 milyon ang koleksiyon ng MTPB nitong buwan pa lamang ng Enero 2020 mula sa violation receipts at parking fees ng may 800 tauhan ng MTPB.

Pahayag ni mayor Isko, “Hindi naman ako superman para dumami nang libo-libo ang kolek­siyon sa loob nang ilang buwan. Simple lang ang analysis o analogy. Pare­hong petsa, ibang pamu­nuan o sistema. Ibig sabihin, matitino na ang mga empleyado.”

“Marami ang nagba­ba­go kaya sana ay suma­ma na kayo. Don’t waste the opportunity to become part of this change… now is the time. ‘Pag retired na kayo, at least you have a story to tell… pupuwede ninyong ikuwento sa inyong mga anak o apo na noong sumigla at buma­ngon ang Maynila, bahagi ako no’n.”

Ikinompara ni Isko ang Maynila, bago siya naupo sa posisyon, isang malaking drum na mara­ming butas at ngayon ay unti-unti nang natatak­pan ang butas kaya’t lahat ng pumapasok ay tiyak na napupunta sa kaban ng lungsod.

Kasabay nito, Ibinida rin ng alkalde ang tinang­gap nitong 200 signages at 50 body cams mula sa Grab Phils na pinamumunuan ni Bryan Cu.

Kasunod nito, 1200 pamilyang biktima ng sunog ang nabahaginan ng financial assistance nina Mayor Isko at Vice Mayor Honey Lacuna sa Baseco Port Area.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *