
Bilang bahagi ng Secure and Fair Election (SAFE) campaign, dumalo si Mayor Jaime Fresnedi sa Peace and Covenant Signing ng mga lokal na kandidato sa eleksyon na ginanap sa Our Lady of the Abandoned Church, Poblacion noong Marso 7. Inorganisa ng Commission on Elections, Muntinlupa Police Station, Civil Military Operations Battalion, Philippine Army, and Parish Pastoral Council for Responsible Voting ang naturang programa na naghihikayat sa mga kandidato na panatilihing mapayapa at maayos ang paparating na eleksyon. Natapos ang Peace Covenant Signing sa pagpapalipad ng mga lobo at isang boodle fight. ( MANNY ALCALA )
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com