SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
MAKAMIT na kaya ngayon ni Onemig Bondoc ang matamis na ‘Oo’ ni Aiko Melendez?
Ito ang tanong ng marami matapos bumandera ang mga picture ng dalawa na magkasama kasama ang nakaiintrigang caption ni Onemig sa kanyang Instagram account, ang “Happy together…after 29 yrs.”
Marami ang nagkomento sa post ng aktor, isa na ang anak dalaga ni Aiko na si Marthena Jickain na mukhang boto sa aktor, Aniya, “Aww,” with heart emoji.
Sinabi naman nina Onemig at Aiko na nasa ligawan stage pa lamang sila. Kaya wait na lang tayo sa announcement ng dalawa sakaling matuloy na nga sa relasyon ang maganda nilng samahan.
Magkasamang namasyal ang aktor at aktres sa Batangas na nang hindi matulog ay nag-live.
Panimulang wika ni Aiko na ikinakilig ng karamihan, “Are we bagay? Talaga ba? Should I give him a chance?”
Pero mabilis nitong nilinaw an hindi pa sila magdyowa.
Wika naman ni Onemig, “I wish. Pero hindi niya pa ko sinasagot, eh,” kasabay ang pagsasabing totoo angfeelings niya para sa aktres.
Sinabi pa ni Onemig na halos tatlong dekada na siyang naghihintay sa kasagutan ni Aiko.
Muling nagrekonek ang dalawa nang mag-guest ang aktor sa YouTube vlog ng aktres. At doon nabuking na niligawan niya noon si Aiko.
At ang pagkikita nila sa Batangas ay bilang kabayaran sa naunsyami nilang pagkikita dapat sa Subic noon.
“Ako ‘yung hindi sumipot. Bahala na kayo, sige na cheers tayo, sisiputin na kita sa Quezon City,” sabi ni Aiko.
“Sinipot ko na kasi siya. Nag-usap kaming mabuti. Probably kasi I wasn’t ready at the time, and I thought that he wasn’t serious,” wika pa ni Aiko.
Iginiit naman ni Onemig na friends sila ni Aiko.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com