PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
TILA ayaw pa ring tantanan ni Pokwang na maglabas ng kanyang saloobin hinggil sa kapatid na tinanggalan ng driver’s license dahil sa kinasangkutan nitong ‘road rage’ kamakailan sa Antipolo City.
Sa bagong video post ng komedyante, nai-share nito ang isang road rage incident na nakapatay ang isang tila influential na tao and yet, hindi naman ito tinanggalan ng lisensya for life.
Mixed pa rin ang reactions ng netizen. May pumabor kay Pokwang na nagsabing tila sobra naman daw ‘yung parusang ibinigay sa kapatid, habang marami rin ang nagsasabing deserve ito ng kapatid ng aktres.
Gayunman, mukhang si Pokwang nga ang tumatanggap ng negatibong reaksiyon dahil tila ginagamit daw nito ang pagkakaroon ng ‘star power.’
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com