NASUKOL ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang most wanted sa Regional Level sa ikinasang joint manhunt operation nitong Lunes, 5 Setyembre, sa bayan ng Victoria, lalawigan ng Laguna.
Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, OIC ng Laguna PPO, ang suspek na si Baltazar De Leon, 59 anyos, construction worker, at residente sa Brgy. San Benito, sa nabanggit na bayan.
Sa ulat mula sa Victoria MPS, inaresto ang akusado sa ikinasang joint manhunt operation ng Victoria MPS at Laguna HPG dakong 9:45 pm kamakawala sa Brgy. Nanhaya, sa naturang bayan, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Mary Jean Tibo Cajandab, Sta. Cruz, Laguna RTC Branch 26 noong 8 Setyembre 2021.
Kakaharapin ni De Leon ang mga kasong Rape (RPC Art. 266-A); Acts of Lasciviousness (RPC Art. 336); paglabag sa Special Protection Of Children Against Child Abuse, Exploitation And Discrimination Act (Anti-Child Abuse Law) (Lascivious Conduct Under Sec. 5(B) ng RA 7610) na may nirerekomendang piyansang aabot sa P36,000 para sa kasong Acts of Lasciviousness.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Victoria MPS ang suspek habang ang korteng pinagmulan ng warrant of arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng akusado ito.
Pahayag ni P/Col. Silvio, “Isang pagmamalaki sa pulisya ng Laguna sa walang sawa na pagganap sa kanilang mga sinumpuang tungkulin.” (BOY PALATINO)