Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
3 drug suspects timbog sa parak

3 drug suspects timbog sa parak

NAKUWELYOHAN ng mga awtoridad ang tatlong drug personalities sa magkakahiwalay na buy bust operation na ikinasa sa bayan ng Sta. Cruz, lalawigan ng Laguna, hanggang nitong Martes, 2 Agosto.

Sa ulat ni Laguna PPO Acting Provincial Director P/Col. Cecilio Ison, Jr., kinilala ang mga suspek na sina Arthcel Wedingco, alyas Jorjie, 23 anyos; at Rosario Perber, alyas Ayo, 27 anyos, kapwa taga-Brgy. Calios, Sta Cruz; at si Anthony Del Valle, alyas Anton, 49 anyos, ng Brgy. Patimbao, Sta Cruz.

Ayon sa pamunuan ng Sta. Cruz MPS, nagkasa sila ng tatlong magkakahiwalay na buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong suspek.

Isinagawa ang operasyon laban kay Wedingco, 2:05 am kahapon sa Brgy. Calios, nasamsam mula sa kanya ang tatlong pakete  ng hinihinalang shabu, tinatayang may timbang na 0.90 gramo at nagkakahalaga ng P6, 120, P500 marked money, at isang coin purse.

Samantala, nadakip ang suspek na si Perber dakong 11:10 am nitong Martes, nakompiskahan ng limang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng tinatayang P5,500, at may timbang na 0.8 gramo, P500 marked money, at  isang coin purse.

Gayondin, naaresto ang suspek na si Del Valle dakong 7:05 pm kamakalawa sa Brgy. Sto. Angel Sur, Santa Cruz, Laguna, nakompiska mula sa kanya ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, tinatayang may timbang na isang gramo at nagkakahalaga ng P6,800, P500 marked, at coin purse.

Pansamantalang nasa kustodiya ng Sta. Cruz MPS ang mga nadampot na suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang isusumite sa Crime Laboratory Office para sa pagsusuri ang nasamsam na mga ebidensiya.

Ayon sa pahayag ni P/Col. Ison, “Ang pulisya ng Laguna ay patuloy sa pagsawata at hindi titigil sa pagtugis sa mga hindi tumitigil sa paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga.”

Ani P/BGen. Antonio Yarra, Regional Director ng PRO4-A PNP, “Ang pulisya po ng Laguna ay patuloy na gaganap sa kanilang mga tungkulin lalo sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga na sumisira sa ating mga kabataan.”  (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …