Friday , November 15 2024
3 babaeng durugista arestado sa buy bust operation Boy Palatino

3 babaeng durugista arestado sa buy bust operation

KAMPO Heneral Paciano Rizal — Iniulat ni Police Colonel Cecilio R Ison Jr, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office kay Police Brigadier General Antonio C Yarra, Regional Director 4A Calabarzon ang pagkakaaresto sa tatlong (3) drug suspect na nakalista sa drug watch list Street Level Individual (SLI) sa Calamba City, Laguna.

Sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Calamba City Police Station sa koordinasyon ng PDEA Laguna ay naaresto si Chloe Gonzales Perez, 34 anyos, walang trabaho, at residente ng Brgy. 4, Calamba City Laguna noong 3:37 PM ng Hulyo 12, 2022 sa Pasilyo 5, Brgy.4, Calamba City, Laguna matapos magbenta ng iligal na droga sa pulis na nagsilbing poseur buyer kapalit ng buy bust money.

Nakumpiska ang mga ebidensiya ng limang (5) piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 2 gramo na tinatayang halagang 13,600 pesos, isang (1) coin purse na may 100 pesos na hinihinalang drug money at narekober ang buy bust money.

Sa isa pang operasyon ng Calamba CPS, nadakip sina Rea Del Rosario Martinez, 33 taong gulang, walang trabaho, at Anna Grace Mane Monserrat, 27 taong gulang, walang trabaho, at kapwa residente ng Brgy. Parian Calamba City Laguna matapos magbenta ng iligal na droga sa pulis na nagsilbing poseur buyer kapalit ng buy bust money.

Nakumpiska ang mga ebidensiya ng apat (4) na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 1 gramo na tinatayang halagang 6,800, dalawang (2) piraso ng coin purse at narekober na buy bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang naarestong suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Isusumite ang mga nakuhang ebidensya sa Laguna Provincial Forensic Unit para sa forensic examination.

PCOL Ison Jr. said “Sa pamumuno ng ama ng kapulisya layunin at hangad nito ang pagsugpo sa mga illegal na droga kung kayat ang Laguna PNP ay pupuksain ang lahat ng mga gumagamit ng droga sa aming nasasakupan.

Sinabi ni PBGen Antonio C Yarra  “At dito, nahihiwatigan natin ang kahalagahan ng buong bansa; kaya, ang pinagsama- samang pagsisikap ng lahat- ang tagapagtupad ng batas, ang LGU’s, at komunidad ay makamit ang mga layuning ito. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …