Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rank No 3 MWP ng Calamba nasukol sa manhunt operation

Rank No. 3 MWO ng Calamba nasukol sa manhunt operation

ARESTADO ang pangatlong most wanted person (MWP) sa city level  sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna, nitong Sabado ng gabi, 18 Hunyo.

Iniulat ni P/Col. Cecilio Ison, Jr., Acting Provincial Director ng Laguna PPO kay P/BGen. Antonio Yarra, Regional Director ng PRO4A PNP, ang pagkakadakip sa suspek na kinilalang si Arcie Marcos, 27 anyos, construction worker, at residente sa Brgy. Masili, sa nabanggit na lungsod.

Inaresto ng mga tauhan ng Calamba CPS sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Arnel Pagulayan, ang suspek dakong 8:30 pm sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Arturo Vergara Noblejas ng Calamba City RTC Branch 105, may petsang 16 Hunyo 2022 sa kasong Frustrated Homicide (RPC ART 249), walang inirekomendang piyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang akusado habang ipagbibigay-alam sa nag-isyung korte ang pag-aresto sa kanya.

Pahayag ni P/BGen. Yarra, “Walang makapagtatago sa batas dahil walang tigil ang mga pulis sa Laguna sa paghahanap para maaresto ang mga akusado at panagutin sa mga pagkakamaling ginawa nila o sa mga batas nilang nilabag.” (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …