Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Serye ng buy bust operation ikinasa ng Laguna PNP 5 drug suspects nalambat

Serye ng buy bust operation ikinasa ng Laguna PNP 5 drug suspects nalambat

LIMANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nadakip sa serye ng buy bust operations na ikinasa ng mga awtoridad sa lalawigan ng Laguna hanggang nitong Huwebes, 9 Hunyo.

Iniulat ni Laguna PPO Acting Provincial Director, P/Col. Cecilio Ison, Jr., kay CALABARZON PNP Regional Director, P/BGen. Antonio Yarra, ang pagkakaaresto sa limang drug suspects sa bayan ng Sta. Cruz at lungsod ng Calamba.

Nadakip ng mga tauhan ng Sta. Cruz MPS sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Paterno Domondon, Jr., ang suspek na kinilalang si Jonnoel Guevarra, 24 anyos, walang trabaho, at residente sa Brgy. Santisima Cruz, sa nabanggit na bayan, dakong 3:50 pm nitong Miyerkoles, 8 Hunyo dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga, sa pulis na nagsilbing poseur buyer.

Nakompiska mula kay Guevarra ang apat plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 1.75 gramo at nagkakahalaga ng P11,900; coin purse, P500 buy bust money.

Nasukol ng Sta. Cruz MPS ang suspek na kinilalang si Roy Arellano, 52 anyos, welder, at residente sa Brgy. San Pablo Norte dakong 8:15 pm nitong Miyerkoles, 8 Hunyo.

Nasamsam kay Arellano ang tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 1.21 gramo at nagkakahalaga ng P8,200, coin purse, P500 buy bust money.

Sunod na nadakip ng mga tauhan ng Sta. Cruz MPS ang suspek na kinilalang si Joel Perdiguerra, 44 anyos, walang trabaho, residente sa Brgy. Calios, nitong Huwebes ng 12:15 am.

Nakompiska kay Perdiguerra ang pitong plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 1.25 gramo at nagkakahalaga ng P8,500; isang coin purse; at P500 buy bust money.

Inaresto ng mga tauhan ng Calamba CPS sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Arnel Pagulayan, ang suspek na kinilalang si Adrian Alejandro, 39 anyos, driver, at residente sa Brgy. 3, Calamba dakong 7:07 pm nitong Miyerkoles, 8 Hunyo.

Nakompiska kay Alejandro ang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 1.1 gramo at nagkakahalaga ng P7,480; coin purse na may P200, hinihinalang drug money; at P500 buy bust money.

Huli rin ng Calamba CPS ang suspek na si Razul Criligo, 34 anyos, pool agent, at residente sa Brgy. Pansol, Calamba dakong 9:27 pm nitong Miyerkoles, 8 Hunyo.

Nakompiska kay Criligo ang limang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 1.2 gramo at nagkakahalaga ng P8,160; P300 hinihinalang drug money; at P500 buy bust money.

Nasa kustodiya na ng kani-kanilang operating unit ang mga naarestong suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, isusumiteng ebidensiya sa Crime Laboratory Office para sa forensic examination.

Pahayag ni P/BGen. Antonio Yarra, “Patuloy ang aming mga operasyon laban sa ilegal na droga at hinihimok namin ang mga kababayan na ipaalam sa pulisya ang ilegal na gawain na kanilang nasasaksihan sa kanilang barangay.” (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …