Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Boy Palatino Sa San Pedro, Laguna 2 TULAK TIKLO SA BUY BUST

Sa San Pedro, Laguna,
2 TULAK TIKLO SA BUY BUST

DINAKIP ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang mga tulak sa ikinasang drug buy bust operation nitong Sabado, 4 Hunyo, sa lungsod ng San Pedro, lalawigan ng Laguna.

Kinilala ni P/Col. Cecilio Ison, Jr., ang mga suspek na sina Enrique Gabuyo, Jr., alyas Kid, 58 anyos, may asawa, construction worker, at residente sa Brgy. Magsaysay; at Erwin Sambrano, 39 anyos, may asawa, walang trabaho, at residente ng Brgy. Langgam, parehong sa nabanggit na lungsod.

Sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4A, isinagawa ng Drug Enforcement Team (DET) ng San Pedro CPS ang operasyon dakong 7:49 pm kamakalawa sa Brgy. Magsaysay, San Pedro, Laguna.

Sa operasyong ito, nagbenta ang suspek na si Gabuyo ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa pulis na umaktong poseur buyer kapalit ng P300 saka nag-abot ng isa pang sachet ng hinihinalang shabu kay Sambrano.

Matapos ang transaksiyon, inaresto ng mga pulis ang mga suspek.

Nasamsam mula kay Gabuyo ang P100 cash, isang coin purse na naglalaman ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu, at buy bust money habang nakompiska mula kay Sambrano ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Dadalhin ang mga suspek at ang mga narekober na ebidensiya sa Regional Crime Laboratory Office 4A para sa laboratory testing at drug examination.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 ang mga suspek sa Office of the City Prosecutor ng San Pedro, Laguna.

Pahayag ni P/BGen. Antonio Yarra, “Pinupuri ko ang San Pedro CPS para sa operasyong ito. Patuloy nating pinaiigting ang ating anti-illegal drug operations para makontrol ang paglaganap ng mga mapanganib na droga sa ating area of ​​responsibility.” (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …