Saturday , November 16 2024
arrest posas

MWP ng Laguna PNP arestado sa Victoria

NADAKIP ang ikapitong most wanted person (MWP) ng Laguna PPO sa ikinasang joint manhunt operation ng mga awtoridad sa bayan ng Victoria, sa naturang lalawigan.

Sa ulat ni Laguna PPO Director, P/Col. Rogarth Campo kay CALABARZON Regional Director, P/BGen. Antonio Yarra, inaresto ng Victoria MPS, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ng kanilang hepeng si P/Capt. Laudemer Abang, at Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 4A, 402nd Maneuver Company, ang suspek ay kinilalang si Markie Romar Culubong, 35 anyos, walang trabaho, residente sa Brgy. San Benito, sa naturang bayan, sa bisa ng alias warrant of arrest na inisyu noong 17 Marso 2014, ng Calamba City RTC Branch 35, para sa kasong rape na walang inirekomendang piyansa.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Victoria MPS jail habang ipinababatid ito sa pinanggalingang hukuman.

Pahayag ni P/Col. Campo, “Ang aming mga operasyon laban sa mga wanted na tao ay hindi kailanman nasamsam. Higit pa natin paiigtingin ang mga operasyong ito upang matiyak na walang mga warrant of arrest na mai-archive.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …