Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
3 drug suspects timbog sa Laguna

3 drug suspects timbog sa Laguna

INIULAT ni Laguna PNP Provincial Director, P/Col. Rogarth Campo kay PRO-4A PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, ang pagkakadakip sa tatlong drug suspects sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa lalawigan ng Laguna nitong Sabado, 19 Marso.

Ayon sa impormasyon, isinumbong ng isang concerned tipster sa Biñan CPS na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Jerry Corpuz, Officer-In-Charge na mayroong nagaganap na pot session sa Brgy. Canlalay.

Agad nagresponde ang Biñan CPS at naaresto dakong 10:20 pm ang mga suspek na kinilalang sina Denmark Gutib, alyas Denden, 41 anyos, driver, residente sa naturang barangay; at Dives Anabe, Jr., alyas Dave, 47 anyos, helper, residente sa Brgy. Southville, San Pedro, habang humihithit ng ilegal na droga sa loob ng isang barong-barong.

Nakompiska ng mga awtordidad mula sa mga suspek ang isang bukas na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu residue, isang pirasong aluminum foil strip, isang pirasong nakarolyong aluminum foil tooter, at dalawang disposable lighter.

Gayondin, nasakote ng Calamba CPS sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Arnel Pagulayan, chief of police, ang suspek na kinilalang si Jon Jon Garay, alyas Balot, 32 anyos, walang trabaho, residente sa Brgy. Parian, Calamba, dakong 7:01 pm kamakalawa sa Purok 7, sa nabanggit na barangay, matapos magbenta ng ilegal na droga sa police poseur buyer kapalit ng P500.

Nasamsam mula sa suspek ang apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na isang gramo at nagkakahalaga ng P6,800; isang coin purse na may lamang P400 na hinihinalang drug money, at P500 na ginamit bilang buy bust money.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya ng kani-kanilang operating unit ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, at isusumite ang mga nakuhang ebidensiya sa Crime Laboratory Office para sa forensic examination.

Pahayag ni P/Col. Campo, “Pinupuri ko ang pagsisikap ng ating mga pulis sa Calamba CPS at Biñan CPS sa mga operasyong ito. Patuloy nating paiigtingin ang ating mga operasyon laban sa ilegal na droga upang mapuksa ang paglaganap nito sa lalawigan.” (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …