Wednesday , December 18 2024
Bong Go Willie Revillame

Willie nalungkot sa pag-atras ni Go

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

INANUNSIYO na ni Sen. Bong Go na iniaatras na niya ang kandidatura sa pagka-Presidente ng Pilipinas.

Pero magiging opisyal lang ang anunsIyong ito ni Go kapag personal siyang pumunta sa Comelec Office para i-withdraw ang pagtakbo niya.

Ito rin ang pahayag ni Commission on Elections Director James Jimenez na wala pang nakararating sa kanilang balita na umaatras na si Go dahil hindi pa naman nila natatanggap ang withdrawal papers ng senador.

Samantala, nalungkot si Willie Revillame sa pag-atras ni Go at nirerespeto niya ito.

Inaming malaki ang pasasalamat ni Willie sa senador dahil isa ito sa dahilan kung bakit nakabalik sa ere ang Tutok to Win noong nagsisimula ang pandemya sabay lockdown noong 2020.

Base sa kuwento ng Wowowin host noong Marso 15, 2020, tumigil sa ere ang programa sa GMA 7 kaya sa Facebook siya nag-live simula ng Marso 26.

“Naisip kong mag-Facebook and then, mag-YouTube na wala naman akong kaalam-alam sa social media,” sabi ng TV host.

Ang main goal ni Willie kaya gusto niyang bumalik sa ere ang Tutok to Win ay para makatulong sa kababayang nangangailangan lalo’t naka-lockdown noong nakaraang taon at walang mga hanapbuhay ang karamihan dahil nagsara ang ilang kompanya.

“And then, tumawag na po sa akin si Mr. Joey Abacan (GMA first Vice President for program management). Sabi niya, ‘o maganda ‘yang ginagawa mo, nakatutulong tayo, ituloy mo ang ‘Wowowin.’

“Sabi ko, ‘mayroon akong concept, Tutok to Win,’ sabi ko kay Sir Joey, ‘sana makabalik tayo at sana, mabigyan ako ng pagkakataon,’” kuwento nito sa programa niya.

Gusto rin naman ng GMA 7 na makabalik sa ere ang Wowowin kasi naka-lockdown ang buong bansa. 

”Tinawagan ko si Mr. Martin Andanar, Sec. Harry Roque, Sec. Ano, sabi nila, ‘paalam ka lang kay Sen. Bong Go,’” pagtatapat ni Willie.

Nabanggit pa na hiniling ni Willie na payagan silang maka-biyahe kasama ang staff niya papuntang Will Tower para sa live broadcast nila.

“Madaling araw ho, nagpi-picture kami roon (sa Will Tower) para mapadala sa Malacanang ‘yung IATF na ID. ‘Yung IATF na ID po na ‘yun, ‘yun ho ang paraan para kami makabiyahe.

“Kaya ko lang sinasabi sa inyo ‘to, wala pong Tutok to Win, wala pong ‘Wowowin’ na makababalik noong time ng lockdown kundi po nagpaalam kay Sen. Bong Go at pinayagan niya po akong makabalik at pinayagan niyang makalipad ang chopper dahil ho talagang nakiusap lang ako,” kuwento ni Willie.

At dito na nagkuwento pa ang TV host tungkol kay Go.

“I think this is the right time para malaman n’yo na siya ho ang naging dahilan kaya nakabalik ako sa Will Tower nang nag-show kami roon.

“In behalf of my staff, WBR Productions, in behalf sa mga kasama kong mga nagmamahal sa programang ito, maraming- maraming salamat sa ‘yo.

“Saludo ako sa ‘yo. Tama ka, noong nag-uusap tayo, ang hirap ng sitwasyon mo. Ikinakampanya ka ng tatay, iba naman ang ikinakampanya ng anak. Saludo ako sa naging desisyon mo. God bless you.”

About Reggee Bonoan

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB Inilabas na, angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIYAM na pelikula—mula sa maaksiyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang …

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGWAGI ng apat na major awards ang pelikulang ‘Manang’ sa …

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …