Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Anthony Fernandez, barumbadings

Mark Anthony umaming nahirapang magmukhang babae at kumilos babae

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

FIRST time magbabading ni Mark Anthony Fernandez sa pelikula at ito ay sa Barumbadings ng Viva Films na idinirehe ni Darryl Yap at mapapanood na sa Vivamax simula November 5.

Ayon kay Mark Anthony, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang project lalo’t nakita niya kung sino-sino ang makakasama niya. Kasama niya rito sina Joel Torre, Jeric Raval, at Baron Geisler.

“First time kong gumanap na third sex pero marami po akong kaibigan na third sex. Noong ibigay sa akin ang script at nakita ko ang cast Joel Torre, Jeric Raval, Baron Geisler, talagang umoo agad ako tapos action fiction, tinanggap ko kasi inaamin ko, na-excite ako,” anang aktor.

Sa kuwento ni Mark sa isinagawang zoom media conference, na-challenge siya sa pagsusuot ng high heels habang nakikipagsuntukan. “Ang hirap na mukhang babae, kilos babae, naka-higheels ka na nakikipaglaban. Mabuti na lang talaga nakatutok din si Direk Darryl.

“Ang hirap talaga ng fight scenes. In fact, ‘yung batang artista napilay din siya dahil nag-a-action scene siya na naka-high heels,” kuwento ni Mark.

Sinabi pa ni Mark na pinaghandaan niyang mabuti ang kanyang role sa Barumbadings“I made sure na makinis ang skin ko, kailangan medyo magmukhang babae, binawasan ko ang weight ko, nag-shave ako ng 20-year old na buhok tapos todo motivation.”

Sa kabilang banda, bibigyan ni Direk Darryl ng ibang twist ang pagiging barumbado nina Joel, Mark Anthony, Jeric, at Baron. Sa isang social media post, pabirong tinawag niya ang apat bilang Mga Bagong Reyna ng Viva—Jerica Raval, Marie Antoinette Fernandez, at Baroness Geisler.

Kasama rin sa pelikula sina John Lapuz at Cecil Paz. Kaya ano pa ang hinihintay n’yo, mag-stream na sa Vivamax dahil tegi na ang mga baklang madrama. Action star na ang mga reyna!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …