Monday , February 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ronnie Liang

Ronnie pangarap maging presidente ng Pilipinas: kabi-kabila charity works

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

KAHANGA-HANGA ang adbokasiya ni Ronnie Liang. Mula sa awiting Ngiti nabuo ang isang foundation na tumutulong para maibalik ang magagandang ngiti sa isang indibidwal.

Nakausap namin si Ronnie minsang dumayo kami ng kapistahan sa Lipa. Tulad namin taon-taon ay naroon si Ronnie sa imbitasyon na rin ng may-ari ng Solano Hotel na si Mr. Charles Solano para magbigay-saya sa mga Lipeno at bilang siya rin ang ambassador ng Sylpauljoyce Furniture na pag-aari rin ni Mr Charles.

Naibahagi sa amin ni Ronnie ang ukol sa kanyang foundation, ang Ngiti na nagbibigay sila ng libreng operasyon sa mga may cleft palate gayundin sa mga may mga katarata. 

Halos kabi-kabila nga ang ginagawang charity works ni Ronnie dahil layon talaga niya ang maraming matulungan.

Ani Ronnie, kung may ilang taon na niyang ginagawa ang pagpapangiti sa mga may cleft palate.

Naikuwento rin ng singer na after niyang maka-graduate ng Education, nag-aral din siyang maging piloto at nag-Masters Degree in National Security Administration. Pagkaraan ay nag-PhD (Doctor of Philosophy) para sa Security Development Administration na related sa kanyang pagiging member ng Armed Forces of the Phils. bilang reservist.

Hindi man sumasabak sa giyera, kung saan-saan nakararating si Ronnie para sa kanyang advocacy na makatulong sa mga maysakit at nangangailangan lalo na sa mga panahon ng sakuna at trahedya.

Sa mga ginagawang pagtulong at adbokasiya ni Ronnie natanong namin  kung may balak siyang maging politiko.

Mabilis naman niyang inamin na pangarap nga niyang maging presidente ng Pilipinas.

Wala naman sigurong masama, gusto kong maging presidente ng Pilipinas?” buong kompiyansa nitong sagot sa amin. 

Idinagdag pa nitong  wala naman daw sigurong masama lalo’t ang hangarin niya ay para sa ikabubuti ng bansa at magandang gobyerno.

Samantala, tin-edyer pa lang si Ronnie nang maging ambassador ng Sylpauljoyce at hanggang ngayon siya pa rin ang face ng naturang brand, kaya naman siya ang may pinakamalaking photo sa l celebrities na naka-display sa wall ng office ni Mr Charles.

Hanga rin naman kasi si Mr Charles gayundin ang misis nitong si Ms Lorena Solano sa kabaitan ng singer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Shira Tweg Tine Areola Bambbi Fuentes Direk Louie Mantsa

Shira Tweg at produ na sina Tine Areola and Bambbi Fuentes, may patikim sa pelikulang “Mantsa”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA nang mag-shooting si Direk Louie Ignacio para sa pelikulang …

Martin Venegas Project Loki

Martin Venegas excited makatrabaho si Direk Xian Lim 

MATABILni John Fontanilla EXCITED nang makatrabaho ng Viva artist na si Martin Venegas ang kanilang direktor na si Xian Lim sa Project …

Kiray Celis Stephan Estopia Kirays Brands

Kiray paspas sa pagbuo ng pitong anak

HARD TALKni Pilar Mateo STALKER! Mayroon pala niyon si Kiray (Celis-Estopia).  Sumusulpot sa mga event niya. …

Ice Seguerra Fire and Ice

Fire and Ice lumawak pa — may stage prod, pelikula, serye, at consultancy

HARD TALKni Pilar Mateo MORE and more in store.  Ang ihahatid ng Fire and Ice, ng …

Ejay Falcon

Ejay pag-arte hindi tatalikuran

RATED Rni Rommel Gonzales SA eleksiyon last year ay nabigo si Ejay Falcon, na noon ay bise …