Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maja Salvador, Eat Bulaga

Maja may sariling segment sa EB

I-FLEX
ni Jun Nardo

BIBIGYAN ng sariling segment si Maja Salvador matapos siyang opisyal na pumasok sa Eat Bulaga bilang Dabarkadas noong Sabado.

Si Maja ang host sa segment na DC 2021 o Dance Classics 2021 ng Bulaga na ihu-host niya. kaya hindi lang siya guest noong Sabado.

Sa pag-welcome kay Maja ng EB Dabarkads na sina Ryan AgoncilloJose Manalo, at Allan K, nagpasampol siya ng galing sa pagsayaw at pagbigay ng makabagong touch ng mga dance hit na pinasikat noon ng EB.

Touching ang video na ipinalabas dahil nakikita ang isang bata na sumisilip sa bintana para makapanood ng Bulaga. May interviews pa ng mga taong naging bahagi ng kabataan ni Maja.

Ang pagiging bahagi ni Maja sa EB ay para na rin sa kanyang ina na nami-miss na siyang magsayaw sa TV.

“Ma, heto na ako sa ‘Bulaga’ na dati nating pinanonood lang sa TV sa Aparri. Regalo ko sa inyo ito!” sambit ni Maja.

Noong Sabado ang kaarawan ng ina ni Maja.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …