Friday , November 22 2024
Michael Yang, Rodrigo Duterte, Michael Yang, Leila de Lima

Imbestigasyon sa ‘illegal drug links’ ni Michael Yang giit ni De Lima

MATAPOS masangkot ang pangalan ni Michael Yang sa kontrobersiyal na pagbili ng pamahalaan ng facemasks, face shields, personal protection equipment (PPE), at test kits, muling isinusulong ni Senadora Leila de Lima ang pagsasagawa ng imbestigayon sa dating Presidential adviser sa pagkakasangkot nito sa ilegal na droga.

Ayon kay De Lima, ngayong panibagong kontrobersiya ang kinasasangkutan ni Yang, marapat na hubarin ang tunay na pagkatao nito partikular ang lawak ng koneksiyon sa kasalukuyang administrasyon.

“Ngayong humaharap sa Senado si Michael Yang, dapat mahalungkat ang tunay na pagkatao niya at ang lawak o saklaw ng kanyang relasyon, koneksiyon at impluwensiya kay Duterte,” ani De Lima.

Nais malaman ng senadora kung ano ang kapalit ng mga ibinibigay na pabor kay Yang.

“Sa panig ni Duterte, ano ang kapalit ng mga pabor na naibigay niya kay Michael Yang o sa mga nailapit nito sa kanya? Ano ang kapalit ng pakikipagkaibigan niya sa isang taong may kahina-hinalang karakter at reputasyon?” dagdag ni De Lima.

Naniniwala si De Lima, sa sandaling mahubad ang tunay na maskara at pagkatao ay tiyak na makikita ang malaking pananagutan ng Pangulo.

Magugunitang sa pagdinig ng senado, nabunyag na si Yang ang nagpondo ng ilang proyektong nakuha ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Bukod dito, noong 2019 ay isinangkot ni dating police colonel Eduardo Acierto si Yang sa illegal drug trade kasama ang mga negosyanteng sina Allan Lim (a.k.a. Huen Li Gen or Ayong) at Johnson Chua (a.k.a. Chung Nga Way o Greg Sia), pawang nakabase sa Macau.

“Sinabi ni Acierto, ‘yung intelligence report tungkol dito ay hindi pinansin ng mga kinauukulang opisyal, kasama na si Duterte, sa halip ay ipinagtanggol pa si Michael Yang,” pagbabalik tanaw ni De Lima.

Sa kabila ng Acierto exposé, walang ginawang imbestigasyon ang kahit anong law enforcement agency, gaya ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at pati ang Senado.

Ito ay sa kabila ng resolusyong (P.S. Res. No. 1033) inihain noong Marso 2019 ng Senadora na humihingi ng pagsisiyasat sa alleged drug links ni Michael Yang.

Nai-refer ang Resolusyon sa isang Komite, ngunit walang naganap na mga pagdinig o hindi umano pinansin.

Nais malaman ni De Lima kung inabuso o ginamit ni Yang ang kanyang pagiging presidential adviser on economic affairs. 

“Gusto ko rin malaman kung ano ang naging papel ni Michael Yang sa loan agreements na nilagdaan ng Filipinas at China noong 2018 o panahon ng panunungkulan ni Michael Yang bilang Presidential Economic Adviser. Isa rito ay ‘yung P4.3 billion Chico River Pump Irrigation Project, ayon sa ilang sektor, ay isang ‘onerous, one-sided’ na transaksiyon,” mariing pahayag ni De Lima.

Naniniwala si De Lima, peke ang sinasabing kampanya laban sa korupsiyon ng pamahalaan gaya ng kampanya laban sa ilegal na droga.  

Ipinagtataka ni De Lima, sa kabila ng pagiging isang dayuhan ni Yang ay nagawa nitong makahawak ng isang mataas na puwesto sa pamahalaan.

“Hindi lang ICC case ang kakaharapin ni Duterte kundi pati na rin ang patong-patong na anti-graft at plunder cases. Ready ka na sigurong tumakas sa China, Mr. Duterte,” patutsada ng senadora. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *