Thursday , December 19 2024
PH President

Next PH president, May respeto, ‘di butangera

090821 Hataw Frontpage

HATAW News Team

TAPOS na ang Filipinas sa lider na palamura at hindi na dapat sundan ng isa pang lider na butangera.

Ito ang reaksiyon ni National Center for Commuter Safety Protection Chairperson Elvira Medina sa posibilidad ng pagtakbo sa 2022 Presidential election ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Aniya, kompiyansa siyang hindi mananalo sa eleksiyon ang babaeng alkalde resulta ng palpak na administrasyon ng kanyang ama.

Sa sektor umano ng commuters, wala nang makukuhang suporta ang alkalde dahil sa ilalim ng Duterte administration ay hindi lang kalbaryo kundi purgatoryo ang naging karanasan nila dahil sa pagbabawal na makabiyahe ang provincial buses sa Metro Manila.

“Napakahirap ng buhay ng isang commuter ngayon at walang ginagawa ang pamahalaan,” pahayag ni Medina.

Inihambing ni Medina sa isang maruming bahay ang pamamahala ni Pangulong Duterte at tiyak umano na ito rin ang susundang yapak ni Mayor Sara.

Aniya, hindi makatutulog ng mahimbing ang mga Filipino dahil sa maruming pamamahay, kung nais umano ng administrasyon na maayos ang pagtakbo ng gobyerno, unahin nitong linisin ang kanyang tahanan.

“Mayroon kang isang ama na walang ginawa kundi magmura, maghamon. Imbes sabihin sama-sama tayong maglinis,” diin ni Medina.

Malaki ang pananampalataya ni Medina na pagkaraan ng termino ng administrasyong Duterte ay aangat muli ang Filipinas at mangyayari ito kapag hindi manalo si Mayor Sara.

“Hindi kailangan ng butangera. Ang kailangan is a person with respect. It is all over the videos, it is all over the place, their naughtiness. Nakita mo kung paanong mambubugbog sa isang tao na in authority. Kailangan ba natin ng taong ganoon na butangera. I mean, show your intelligence, show your respect to the people, show your love for authority because that is one of the virtues that God has given to his people,” paliwanag ni Medina.

Nanindigan si Medina, hindi kailangan ng bansa ng isang gobyerno na umiikot sa patayan bagkus ang kailangan ng FIlipinas ay pag-asa.

“Pag-asa, hindi bala, ‘yan ang isa sa mga battlecry namin, ngiti sa labi hindi luha ng pighati. We need to give our people hope because most of them have lost their hope,” dagdag ng lider ng mga commuters.

Naniniwala din si Medina, dapat humingi ng patawad si Pangulong Duterte sa mga nangyaring patayan sa bansa sa loob ng kanyang termino.

“President Duterte should bow down to the Lord ask for His forgiveness so that the Lord can refresh people, the land and exonerate the people,” pagtatapos ni Medina.

About hataw tabloid

Check Also

121924 Hataw Frontpage

Sigaw ng labor at health workers  
HERBOSA SIBAKIN, PHILHEALTH SUBSIDY IBALIK

HATAW News Team ISANG malaking kilos protesta ang inilunsad ng isang koalisyon ng labor groups, …

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

The *2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024* press conference recently concluded with great success, bringing …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *