Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tito Sotto, Ping Lacson, Matteo Guidicelli, Mattruns
Tito Sotto, Ping Lacson, Matteo Guidicelli, Mattruns

Pag-rescue ni Ping sa mag-utol na kidnap victims binalikan ni Matteo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI maitatangging pampelikula ang kuwento ng magkapatid na batang kinidnap noong 1994 at nailigtas sa tulong ni Senador Ping Lacson, na pinuno noon ng anti-kidnapping task-force.

Habang nagkukuwento si Kathryn Bellosillo sa Mattruns podcast ni Matteo Guidicelli sa nangyari sa dalawa niyang anak, isang pamangkin, yaya, at driver, parang nakikinig ng story line ng isang action-drama-suspense movie.

Nainterbyu si Kathryn dahil sa mental health ang usapan na tinalakay din doon ang after effect ng kidnapping sa isa sa mga anak niya at sa kanya mismo dahil sa trauma.

Ani Kathryn, humingi siya ng tulong sa kaibigan niyang pari, si Fr. Sonny Ramirez para ipagdasal ang kanyang mga anak at mga kasama nito.

Si Fr. Ramirez ang naghikayat kay Kathryn na lumapit kay Ping. Noong una, ayaw ng ina dahil bilin ng mga kidnaper na huwag magsusumbong sa mga pulis.

Pero hindi naman siya nagkamali ng pasya dahil after nine days, (kasama ang dasal) ligtas na nasagip ng grupo ni Ping ang mga anak ni Kathryn at mga kasama nila. At nahuli ang dalawa sa mga kidnaper at nakulong.

Hindi lang kami aware kung naisama na sa mga pelikulang ginawa sa buhay ni Lacson ang pagsagip sa mga batang iyon na ngayon ay malalaki na at nakapag-asawa na.  At malamang, kung manalong presidente si Ping sa 2022 elections, hindi lang sangkot sa droga ang manginginig sa takot kundi pati ang mga kidnaper.

Samantala ang Official Announcement of Candidacy nina Ping at Tito ay magaganap sa Sept. 8, 2021, Miyerkoles, 11:00am sa Ping Lacson Official Facebook Page https://m.facebook.com/PingLacsonOfficial. Mapapanood din ito sa lahat ng major TV network at sa mga Facebook News Pages.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …