Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo, Gerald Anderson
Bea Alonzo, Gerald Anderson

Gerald gustong humingi ng tawad kay Bea

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Gerald Anderson sa online show ni Boy Abunda kamakailan, natanong ito kung mayroon bang gustong ayusing isyu sa kanyang past relationship.

Sagot ni Gerald, ”Oo naman, Tito Boy. Sana! Kung puwede ko baguhin ‘yung nangyari. Kaso, ang hirap. It’s done. I’ve made mistakes. We both made mistakes.” 

Aware si kuya Boy na ang tinutukoy ni Gerald ay si Bea Alonzo. Kaya ang sunod niyang tanong sa actor ay kung willing ba ito na mag-reach out sa aktres at sa current boyfriend nitong si Dominic Roque

“More siguro kay Bea. I mean, huwag na po siguro tayong mandamay ng ibang tao. But I really pray sana! I really hope she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. Nagho-hope lang po ako,” sagot ni Gerald 

Well, kapag nakarating kay Bea ang  naging pahayag na ito ni Gerald, ano kaya ang magiging reaksiyon niya? Hindi kaya ang sabihin ni Bea ay matagal niya nang pinatawad si Gerald at naka-move on na siya? At masaya na siya sa piling ni Dominic.

O ;di ba, kami ang sumagot para kay Bea? Hahaha! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …