Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angel Locsin Neil Arce
Angel Locsin Neil Arce

Neil & Angel’s wedding biglaan

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

LONG overdue na ang church wedding nina Neil Arce at Angel Locsin dahil dapat noon pang Nobyembre 2020 pero dahil sa COVID-19 pandemic ay na-postpone ito at ngayong 2021 sana ito itutuloy pero hindi pa rin nawawala ang pandemya at muling inilagay ang Metro Manila sa Enhance Community Quarantine (ECQ) sa ikatlong pagkakataon na.

Huling usap namin ng aktres, wala pang petsa dahil nga depende sa sitwasyon dahil gusto sana niyang makasama ang mga importanteng tao sa buhay nila ni Neil bukod sa kani-kanilang pamilya.

Kaya imbes na church wedding ay civil rites muna na officiated ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na hindi binanggit ang petsa dahil base sa nakatsikahan naming common friend namin ni Angel, sa YouTube channel nila ni Neil ito ilalabas.

Halatang biglaan ang kasal dahil parehong naka-all black ang dalawa na pinatungan lang ng dalaga ng white blazer at ang binata naman ay naka- sweatshirt ng puti with their sneakers black (Neil) and white (Angel).

Miyembro ng pamilya lang ng dalawa ang dumalo sa kasal bilang pagsunod sa health protocols na ipinatutupad ng IATF at ang kaibigan nilang si Dimples Romana kasama ang asawang si Boyet Ahmee.

Cool and chillux ang tingin namin sa kasal ng dalawa dahil para lang silang naglalaro na puro tawanan lang na base na rin sa mga larawang kuha at video ng Ate Ela Colmenares ni ‘Gel.

Ayon naman sa aktres, hindi pa niya ipino-post lahat ng mga larawan dahil, ”Namimilipit pa ako sa kilig.”

At sinabi nito na ang mga larawang kuha pagkatapos ng kasal ay, ”sa parking lot sa may tabing bahay. Nagmukhang ibang bansa!”

Simple lang ang caption ni Neil sa larawan nanila ng asawa na ipinost niya sa kanyang IG account, ”pa-mine.”

Ang Ate Ela ni Angel naman ang isa sa photographer nila na kinikilig din sa kasal ng kapatid.

Aniya, ”Mabuhay ang bagong kasal! Binantayan ko ang pinto ng room just in case may pipigil, haha! Love you both, @therealangellocsin@neil_arce! Andito lang ang ate n’yo pag kelangan n’yo ng taga-alaga ng anak.

“Ang saya-saya! Welcome to the family, @neil_arce! Ingatan mo sisterette ko. Yung natuloy din kahit sa gitna ng pandemya! Kahit tayo-tayo lang sa wedding n’yo, ang importante masaya kayo at prepared sa bagong yugto ng buhay nyo.

“So happy for you, Angel & Neil!  Sana magkaron na ko ng mga pagtitripan na pamangkin!”

Hmm, isasama for sure ni Ela ang magiging anak nina Angel at Neil sa kanyang series of Tiktok, he, hehe.

Congratulations and best wishes Angel at Neil mula sa HATAW.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …