Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
coco martin ang probinsyano

Coco nanira ng sariling record (Online viewers ng FPJAP lalong dumami)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


DAHIL po sa inyo, lalo po kaming ginaganahan magtrabaho kahit napakahirap ng sitwasyon ngayon because of COVID-19.” Ito ang tinuran ni Coco Martin sa patuloy na pagdami ng mga sumusubaybay gabi-gabi sa kanyang action-seryeng FPJ’s Ang Probinsyano sa YouTube sa Kapamilya Online Live ng ABS-CBN.

Walong magkakasunod na episodes ang sinira ng programa na ang sarili nitong record na pinakamaraming viewers ang sabay-sabay na nanonoood sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ng actor.

Aniya sa panayam ng TV Patrol”Dahil po sa inyo, lalo po kaming ginaganahan magtrabaho kahit napakahirap ng sitwasyon ngayon because of COVID-19. Kapag naririnig namin na nandyan pa rin kayo para samahan kami gabi-gabi,  patuloy na nagpapalakas ng loob namin, kahit ano ang lungkot, hirap na pinagdaraanan namin ngayon. Kayo po ang nagbibigay ng lakas sa amin.”

Noong Hunyo 3, nagtala ng 154,039 na live concurrent viewers ang action-serye na tumutok sa madugong pakikipaglaban nina Cardo Dalisa (Coco), Lia (Jane De Leon), at Task Force Agila sa batalyon ni Renato (John Arcilla) na nauwi sa pagkakasawi nina Teddy (Joel Torre) at Virgie (Shamaine Buencamino).

Marami sa mga kasama ni Cardo ang sugatan ngunit matagumpay naman silang nakatakas mula kay Renato.

Kaya kung gusto ninyo ng umaatikabong bakbakan, ‘wag palampasin ang mga maaaksiyong eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …