Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
TINATAYANG P54 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakompiska sa magkapatid na Renzy Louise Vizcarra at Red Lewy Vizcarra Vizcara sa ikinasang buy bust operation ng mga ahente ng PDEA RO-NCR at RSET I & II sa parking area ng isang burger stand sa Barangy Tunasan, Muntinlupa City. (ALEX MENDOZA)

P54-M shabu nakompiska sa mag-utol na big time drug dealer (Drug bust sa Munti)

TINATAYANG aabot sa P54.4 milyon halaga ng hininalang shabu ang nakompiska ng magkasanib na puwersa ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA), PNP, ISAFP at NICA sa dalawang lalaki sa  isinagawang drug operation sa Muntinlupa City.

Kinilala ni P/B Gen. Vicente Danao Jr., NCRP0 chief, ang mga suspek na sina Renzy Louise Vizcarra at Red Lewy Vizcarra, na inaresto matapos magpanggap na poseur-byer ang isang police operatives sa entrapment dakong 5:00 p.m. nitong Sabado sa harapan ng isang fastfood chain sa Barangay Tunasan, Muntinlupa.

Nakompiska ang walong kilo ng shabu na may halagang P54.4 milyon, tatlong mobile phones, kulay silver na Toyota Innova mayplakang DAO-4851, at markeed boodle money na ginamit sa transaksiyon ng mga pulis sa pambili ng droga sa mga suspek na hinihinalang miyembro ng malaking sindikato.

Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap nina Renzy at Red ayon sa pulisya. (MANNY ALCALA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Manny Alcala

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …