BAGO mag-pilot ang seryeng ipinantapat ng GMA sa FPJ’s Ang Probinsyano ay may dalawang kahilingan ang resident scriptwriter na si Suzette Doctolero.
Aniya, sana ay bagong putahe naman ang tikman ng mga manonood kung nauumay na sila sa nakasanayan nang nakahain.
Sana rin ay walang sabotaheng mangyari dahil karaniwang nagkakaaberya ang signal sa tuwing may bagong palabas na inilo-launch ang GMA.
In fairness, may mga tumutok naman sa serye nina Dennis Trillo at Mr. Dantes. Wala ring sabotaheng nangyari.
‘Yun nga lang, kinabog pa rin ng programa ni Coco Martin ang sa dalawang Kapuso actor.
Sa survey ng Kantar Media, Coco’s series recorded a 41.1% ratings vis a vis Dantes-Trillo’s with 17.6%. Higit doble ang agwat.
Having done TV work for a good number of years, it’s a common trend na kadalasan, any newly launched show is deemed a potential rater kompara sa binabangga nitong programa.
Audience curiosity is a factor to contend with.
But switching audience preferences is another story. Kung ikaw ay isang AP viewer mula’t sapul, it would be hard to pull you away from it. Lalo nitong mga nagdaaang araw na nasa mata ng kontrobersiya ang AP.
Umay na umay na raw ang mga AP viewer. Inip na inip na sila sa pagtatapos nito. For any viewer capable of such feelings, aba, pinanonood pa rin niya ito. Bahagi ang viewer na ‘yon ng naitalang 41.1% ratings pabor sa AP in the November 19 episode.
Samantala, ang katapat nitong nakatala nang wala pa sa kalahati is one of foreboding. Playing devil’s advocate, the Dantes-Trillo series may just bring in consistent figures which are no match to Coco’s.
At baket? The PNP’s withdrawal of its resources, personnel, etc. makes for an equally exciting attraction the viewers await.
Entonces, itsetsek nga naman nila kung tinotoo nga ba ng mga sangay ng gobyerno ang kanilang binitiwang salita, o kung may bagong pagbabalangkas ba sa kuwento or any anticipated change na kaabang-abang.
Meanwhile, in fairness to GMA, its series is putting up a good fight. The fact na hindi naman so-so ang inihain nilang serye is enough proof the despite the odds ay tuloy ang laban.
For now, we have yet to hear from the network management tungkol sa kanilang isinet na time table for the series. When everything redounds to business, nothing else seems to matter.
Ang mga nagre-rate ngang shows ay natsutsugi pa, how much more the non-raters?
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III