Saturday , December 21 2024

Korupsiyon sinukuan ni Digong (“Malala hindi ko kaya… I’m going home, I’m tired…”)

Hataw Frontpage Korupsiyon sinukuan ni Digong
Hataw Frontpage Korupsiyon sinukuan ni Digong

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labis na pagkasihapyo dahil hindi niya kayang tuldukan ang korupsiyon sa pamahalaan taliwas sa ipinangako niya noong 2016 presidential elections.

Sa kanyang talumpati sa Government Workers Awarding ceremony ka­hapon, sinabi ng Pa­ngulo na pagod na siya, gusto na lang niyang umuwi sa Davao City dahil kahit anong pagsusumikap niya’y patuloy pa rin ang katiwalian.

“Kasi hindi ko talaga kaya ang corruption. Maski anuhin ko. It begins with something like an inaugural thing, the breaking of the ground or the cutting of whatever. It’s given the widest publicity. Three months after, nandoon na sa Ombudsman and then sa Sandigan,” anang Pangu­lo.

Kaya nang umusbong aniya ang ulat na may ilang grupong nagbabalak na patalsikin siya sa pu­westo, naisip niya na hindi na kailangan gawin ito at siya na mismo’y gusto nang lisanin ang poder.

“Sabi ko, the irony of it all is you want to kick me out, naghahanap lang ako ng rason really I’m going home, I’m tired. ‘Yan ang totoo diyan,” aniya.

Kahit saan aniya ay may korupsiyon, mapa-local  man o sa national government.

“It seems that, ang transaksiyon nang lahat sa gobyerno meron talaga. Maski saan ka magtingin meron. And all — dito sa national pati sa local,” dagdag niya.

Binigyan diin ng Pangulo, mananatili sa kasalukuyang situ­wa­s-yon ang pamamahala sa Filipinas hangga’t hindi natutuldukan ang korupsiyon kahit umiral ang law and order sa bansa.

“And I will just like to lay the two predicates, unless we stop corruption and unless there is law and order in the Philip­pines, I am sad to say to you, we will never rise from our present level of governance,” aniya.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *