Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-NFA chief isaswak sa hoyo ni Roque

Hataw Frontpage Ex-NFA chief isaswak sa hoyo ni Roque
Hataw Frontpage Ex-NFA chief isaswak sa hoyo ni Roque

NAKAHANDA si Presidential Spoke­s­man Harry Roque na tam­ba­kan ng kaso si dating National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino para mabulok siya sa kulu­ngan.

Inihayag ni Roque, hindi lang kasong tech­nical malversation kundi graft and corruption ang nais niyang ihaing asunto kay Aquino dahil sa idinulot na pinsala sa publiko maging sa go­byerno.

Paliwanag ni Roque, hindi ginastos ni Aquino ang pondo ng NFA para bilhin ang mga palay mu­la sa lokal na magsa­saka na magagamit sanang buffer stock kay­a’t ang resulta, heto ng­ayon tayo at nag-iimporta ng bigas sa ibang bansa at nagba-b­ayad sa mga dayuhang magsasaka.

“At hindi lang for technical malversation, pa-file-an (hahainan) ko rin siya ng graft. Because causing injury to the public and to the go­vernment is also a graft,” ani Roque.

“So hindi lang ho technical malversation ang isasampa ko sa kaniya kung walang ibang magsasampa, graft and corruption din po. To set the record straight, mas marami pa po akong isasampa. At saka maliit lang po ang parusa sa technical malversation. Gusto ko iyong matagal ang kulong,” dagdag ni Roque.

Bukod dito, ayon kay Roque, ang ginawang delay ni Aquino sa pag-angkat mula sa ibang bansa kahit may go signal na ang council.

Noong nakalipas na linggo’y tinanggap ni Pangulong Rodrigo Dute­r­te ang pagbibitiw ni Aquino at itinalagang kapalit niya si Army chief, Maj. Gen. Rolando Bau­tista na nakatakdang magretiro sa 15 Oktubre.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …