Thursday , June 4 2026
Money Construction

Bell Construction infra projects imbudo sa Antipolo City

IBINUHOS sa Antipolo City ng isang construction company na pag-aari ng mga politico ang mga proyekto na matunog ngayon sa Senado.

Mula 2017 hanggang 2026, nakuha ng construction company na nakarehistro sa pangalan ng pamilya ng professional volleyball player na si Bea de Leon ang proyektong nagkakahalaga ng P2.2 bilyon sa Antipolo City 1st District sa panahon ng panunungkulan ng tatlong miyembro ng pamilya Puno sa House of Representatives.

Sa kasalukuyan, kinakatawan ni Deputy Speaker Ronnie Puno ang Distrito, na dati namang kinatawan ni Roberto Puno mula 2019 hanggang 2025 at ni Cristina Roa-Puno mula 2016 hanggang 2019.

Batay sa datos mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Transparency Portal, ang Bell Construction — na nakarehistro sa pangalan ni Elmer De Leon, ama ni Bea — ay nakakuha ng kabuuang 57 infrastructure projects sa Antipolo City 1st District mula 2016 hanggang 2026, na may kabuuang halagang P2,212,791,932.21.

Sa mga nabanggit, 34 proyekto ang natapos na habang 23 ang hindi pa tapos o kasalukuyang isinasagawa. Ang mga proyekto ay ipinatupad ng Rizal 1st District Engineering Office, kabilang ang road works, flood control, at drainage systems, at ang pagtatayo ng mga pampublikong gusali at pasilidad.

Ilan sa malalaking flood control projects — na karamihan ay lampas P60 milyon bawat isa — ay patuloy pang isinasagawa, na ang antas ng pagkakompleto ay naglalaro mula sa 50 porsiyento hanggang higit 90 porsiyento.

Nabanggit din ang Bell Construction sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 2025.

Nauna nang naiulat na ang tatlong kompanyang pag-aari ng pamilya De Leon — Bell Construction, Streamline Builders, at LTDL Builders — ay sama-samang humawak ng 364 proyektong pang-impraestruktura sa Calabarzon na nagkakahalaga ng P5.7 bilyon mula 2016 hanggang 2025, kabilang dito ang 361 proyekto na matatagpuan sa Antipolo City.

Ayon sa mga ulat, ang LTDL Builders at Streamline Builders Corporation ay nakarehistro sa ilalim nina Lowell De Leon at Rodolfo De Leon, ayon sa pagkakasunod. Nakakuha ang Streamline Builders ng 143 kontrata na nagkakahalaga ng P1.4 bilyon.

Samantala, mula 2016 hanggang 2025, nanalo ang LTDL Builders ng 156 kontrata na may kabuuang halagang P1.8 bilyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …