Sunday , March 26 2023
Harry Roque
Harry Roque

Secretary Harry Roque walang dudang sikat na, gusto pang magpasikat

BULABUGIN
ni Jerry Yap

HETO NA… matapos mahimasmasan ni  Presidential spokesman Secretary Harry Roque sa kanyang ‘emosyonal na paghuhuramentado’ habang sinesermonan ang mga healthcare workers, nagbabanta siya ngayon na papanagutin sa batas kung sino ang aniya’y nag-leak ng video.  

Nang tanungin nitong Lunes, hinggil sa isyu ng lumabas na video ng ‘emosyonal na paghuhuramentado,’ kung ang nag-leak ay dapat bang papanagutin sa paglabag sa Data Privacy Act and anti-wiretapping law, ganito ang sagot niya:

“Sa tingin ko po liable at liable din po for revealing ‘public secrets,’ pero hahayaan ko na po ‘yan sa IATF at ‘yan naman po ay napag-usapan sa IATF,” ani Roque.

        Ang ibig sabihin daw ni Roque sa sinabing “public secrets” ay ‘state secrets’ kaya maaaring parusahan ang nag-leak ng video.

        Ang nakatatawa rito, bakit ibang tao na naman ang gustong panagutin ni Roque, gayong kung tutuusin ay siya ang naging ‘unruly.’

        Bakit hindi niya sisihin ang kanyang sarili?

Sabi nga, kung problema ang pinag-uusapan dapat nakikinig ang bawat isa para resolbahin ito. Hindi gaya ng ginawa ni Roque na nakinig siya para sumagot at maging emosyonal, hindi para resolusyonan ang krisis na kinakaharap hindi lang ng healthcare workers kundi ng buong bansa.

Bigla bang ninerbiyos si Secretary Harry dahil nalantad sa publiko kung ano ang tunay na siya gayong tatakbo siyang senador? 

Awts! Ang hirap talagang magpakaplastik… hik hik hik!

        Sayang, hindi niya napigilan ang kanyang sarili e ilang linggo na lang siyang magiging spokesman dahil malapit na siyang mag-resign bilang paghahanda sa paghahain ng certificate of candidacy sa Oktubre.

        Sino ang mag-aakalang, ganoon maghuramentado ang isang gaya ni Roque? Ang problema na-capture ng videocam — e ‘di swak.

        Sa totoo lang, hindi ko siya kinaya. Napahagalpak talaga ako ng tawa, hak hak hak!

        Anyway, kung tingin ni Roque ay mayroong dapat papanagutin sa kumalat na video sa social media, heto naman ang opinyon ng isa pang matinik na abogado.

        Ayon kay Atty. Ted Te, kung nalalaman ni Roque na ang nasabing pulong ay inire-record, ang paglalabas ng video ay maikokonsiderang hindi paglabag sa anti-wiretapping law.

        Sabi ni Atty. Te, “The outburst isn’t a state secret so it won’t fall into that violation either. It’s also not sensitive information under the data privacy law.”

        O ‘yan Secretary Harry, klaro naman siguro ‘yan. Palagay ko naman ay nagkakasundo kayo sa ilang mga pananaw ni Atty. Te dahil pareho kayong human rights lawyer.

        Next time kasi huwag padalos-dalos. Kumbaga sa ‘dalaga’ pa-demure ka muna huwag kang huramentadong palaka, kasi nga kakandidato ka ‘di ba?!

        Pansamantala, umisip ka muna ng paraan kung paano ka magda-damage control, e kasi, kitang-kita na maraming na-hate sa ginawa mo, lalo na ang mga healthcare workers…

        Please call your doctor… your ‘spin doctors’ and trolls, para tulungan ka nilang mag-damage control.

        ‘Yung eksperto ang kunin mo, huwag ‘yung mga presentado sa tabi-tabi, lalong huwag ‘yung mga nagbibida-bida sa NTF-ELCAC — parang katunog ng palpak at hak hak hak!

         Unsolicited advice lang po ‘yan. Take it or leave it.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Dead body, feet

Bangkay itinapon sa Bulacan
LOLA PINATAY NG SARILING ANAK, KRIMEN NASAKSIHAN NG APO

NATAGPUAN ng isang residente ang bangkay ng isang lola na nakasilid sa isang storage box …

phone text cp

Concert pinasok ng 6 dorobo
31 PARTY-GOERS SINIKWATAN NG CELLPHONE

SUNOD-SUNOD na inaresto ng mga awtoridad ang anim na indibidwal kaugnay ng insidente ng pagnanakaw …

Cyber Security NICA NGCP

PH cyberattack defense mas pinatatag

MAYROON nang mas mahusay na depensa ang Filipinas laban sa mga pag-atake sa mga cybersystem …

Leave a Reply