Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

20 AFP officials sinibak ni Duterte

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines-Health Services Command dahil sa talamak na korupsiyon sa V. Luna Medical Center.

Iniutos ni Pangulong Duterte na tanggalin sa puwesto at agad  isaila­lim sa court martial sina Brig. Gen. Edwin Leo Tor­re­lavega, pinuno ng AFP-HSC, at Col. Antonio Punzalan, commander ng V. Luna Medical Center.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang mga hepe ng health service command man­age­­ment at fiscal office at ang logistics office ay sinibak din bunsod ng maanomalyang pagbili ng mga equipment.

Ayon kay Roque, galit na galit si Pangulong Du­ter­te sa sabwatan ng mga opisyal sa aniya’y institu­tionalized corrup­tion sa naturang military hospi­tal.

“Apparently, it’s a conspiracy…it was ins­titutional corruption in V. Luna,” ani Roque.

Aabot aniya sa 20 opisyal ng pagamutan ang tinanggal ng Pangulo na nabistong nagkontsa­bahan sa “ghost purcha­sing, splitting of contracts to circumvent mandatory bidding processes, and conceiving fictitious sup­pliers,” na daan-daang milyong piso ang halaga.

Paliwanag ni Roque, matagal na panahon nang umiiral ang katiwalian sa pagamutan bago pa nau­po sa Palasyo si Duter­te.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …