Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paggamit sa katawan ng babae hahayaan ng Palasyo

HINDI aawatin ng Palasyo ang paggamit sa katawan ng babae para ilako ang adbokasiya ng pamahalaan tulad ng kontrobersiyal na ”pepe-dede ralismo” video ni Communications As­sistant Secretary Mocha Uson at Diehard Duterte Supporter (DDS) blogger Drew Olivar.

“Sabihin na lang po natin kaniya-kaniyang estilo iyan; pero kung ako po ang magdi-dis­se­minate, iba po ang pama­maraan na gagamitin ko,” tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque nang usisain ng media kung hindi dapat gamitin ang katawan ng babae para isulong ang adbo­kasiya ng gobyerno.

Iniwasan ni Roque na direktang sagutin ang panawagan ni Gabriel Party-list Rep. Arlene Brosas na dapat burahin ni Uson ang video, humi­ngi ng paumanhin at kumilos ayon sa itinatak­da ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at Magna Carta of Women.

“Well, sa akin po kasi wala po akong hurisdik­syon kay Asec. Mocha ‘no. I am not her superior in government and I come from a completely dif­ferent department from her ‘no. So I leave it to her and I leave it to her Boss – Secretary Martin Anda­nar,” sabi ni Roque.

Giit ni Roque, lahat ng opisyal ng gobyerno ay nanumpa na susundin ang lahat ng batas.

“I think all public officials took an oath to uphold all laws and there­fore it’s incumbent upon all public officials to in fact abide with all existing laws,” dagdag niya.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …