Friday , March 1 2024

Leni: Sikmura bago politika

KINONDENA ni Vice President Leni Robredo ang pilit na pagtutulak ng mga kaalyado ng administrasyon sa charter change, sa gitna ng sanga-sangang problema dala ng TRAIN Law at inflation.

Ayon sa Bise Presi­dente, mas makatutulong sa mga mamamayan kung ibinubuhos ng mga mambabatas ang kani­lang oras sa mga panu­kalang makatutulong upang maibsan ang pabi­gat na dala ng nagta­taasang presyo ng mga bilihin.

Ito ay matapos apro­bahan ng House of Repre­sentatives sa 2nd reading ang isang resolusyon para sa proposed federal constitution, sa parehong araw na pinayagan ni Pangulong Rodrigo Du­terte ang pagtuloy sa planong pagpapataw ng fuel excise tax sa susunod na taon.

“Malinaw na usap-politika ang mas maha­laga para sa liderato ng Kamara, na ipinakita nito sa pagpasa ng House Resolution na nagtutulak sa Cha-Cha,” ani Ro­bredo.

“Sa aming pag-iikot sa mga pinaka­malala­yong lugar sa ating bansa, iisa ang hinaing ng ating mga kababayan — ang pagtataas ng presyo ng mga bilihin.”

Dagdag niya: “Ngu­nit kitang-kita na hindi ito ang nais tutukan ng administrasyon: delayed na nga ang ayuda para sa mahihirap, binawi pa ang suspensiyon ng fuel excise tax sa January 2019 — at ngayon ipinagpipilitan ang kagustuhang bagu­hin ang sistema ng pamahalaan.”

Ayon kay Rep. Vicente Veloso, pinuno ng House committee on cons­titutional amendments, ang pagtutulak nila sa nasabing panukala ay bahagi ng pagtupad sa agenda ng admi­nistra­s-yon.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na kabilang sa mga prayoridad ni Pangulong Rodrigo Du­terte ang pagsusulong ng federalismo.

Para kay Robredo, dapat unahin ng admi­nis­trasyon “ang mga ala­lahaning pinaka­malapit sa bituka at pamumu­hay” ng mga Filipino, lalo na iyong mga nag­hihirap, kaysa pamo­molitika.

Matagal nang itinu­tulak ng Bise Presidente na pagtuunan ng pansin ang pagbibigay-solusyon sa matataas na presyo ng mga bilihin na naranasan nitong taon, sa gitna ng pagtaas ng inflation rate ng bansa at ang problema sa suplay ng bigas.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Alejo Santos 40 Bulacan

Ambag bilang beterano at lingkod-bayan ni Hen. Alejo Santos, inalala sa Ika-40 Taon ng Kamatayan

GINUNITA ng mga Bulakenyo ang Ika-40 Taong Anibersaryo ng Pagkamatay ni dating Department of National …

DOH Hagonoy CARES

DOH, suportado ang Hagonoy CARES program para kalingain mga may sakit sa puso

PATULOY na magbibigay ng iba’t ibang uri ng suporta ang Department of Health (DOH) para …

Pura Luka Vega

Pura Luka Vega arestado ulit!

MULING Inaresto ng mga operatiba ni MPD Station 3 commander PltCol Leandro Gutierrez ang tinaguriang …

road traffic accident

Kinapos ng paghinga, pulis nahulog sa mobile vehicle nasawi sa sagasa ng Mitsubishi L200

ISANG malagim na insidente ang naganap nang ang isang miyembro ng Bulacan PNP ay nasawi …

Robin Padilla Mariel Rodriguez IV Drip

Sen Robin at Mariel humingi ng sorry sa gluta session

MA at PAni Rommel Placente NAGPADALA ng dalawang sulat si Sen. Robin Padilla noong Lunes, February 26,  …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *