Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryan, kinatigan si Robin (sa pagsita sa Koreano)

NAIINTINDIHAN ni Ryan Bang si Robin Padilla sa kabila ng tambak na pamba-bash sa actor dahil sa pagsita niya sa Korean contestant ng Pilipinas Got Talent. Hindi kinampihan ni Ryan ang kapwa Koreano.

May point naman si Binoe. Dapat ay pag-aralan ang Tagalog at magbigay galang ‘pag humihingi ng pabor dahil ‘yun ang ugaling Filipino.

“Actually, napanood ko. Tama naman si idol doon kasi bilang Koreano rin ako..sabi ng contestant sampung taon siya sa Pilipinas at sinabi niyang pusong Pinoy siya tapos sa bandang huli nagsalita rin siya ng Tagalog, ‘yun pala marunong pala siyang mag-Tagalog, (sana umpisa pa lang ay nagsalita na ito ng Tagalog). Dapat alam na niya ang culture ng  Philippines,” sambit ni Ryan.

“Hurado sila eh, judge sila. Puwede naman niyang sabihin Kuya Robin, Hurado Robin, idol Robin o Ate Angel, Mommy/Ma’am Vice, Sir Robin, puwede naman siyang ganoon, eh! Si Kuya Robin kasi ay Filipinong-Filipino. ‘Di ba, actually ang Filipino ay magalang, mas matanda sa ‘yo dapat irespeto, eh, contestant siya, dapat sinabi niya Sir Robin, puwede kayong… tapos nag-English na siya.

“Bilang Koreano, naiintindihan ko rin siya na siguro mas comfortable siya sa English, nag-aral siya sa International school pero bilang contestant sa ‘Pilipinas Got Talent,’ dapat unang salita niya ay Tagalog. Puwede niyang sabihin, magandang gabi..Kuya Robin.

“Si Kuya Robin medyo masama siguro kasi tama naman nasa Pilipinas siya, hindi man lang siya magalang. ‘Hi Kuya Robin, Hello po’ pero sigurado ako,  pagbalik niya ay magta-Tagalog na siya,” sambit pa ni Ryan.

Ano ang masasabi niya sa bashers ni Robin na mali ang ginawa niya? Ipinahiya raw niya ang Koreano?

“Hindi..’yung sinabi ni idol bilang anak, parang ama lang na tinuturuan ito. Bumawi naman si idol, niyakap niya. Wala namang masamang sinabi si idol, tama lahat. Dapat bilang isang contestant ay mag-effort siya na mag-Tagalog,” sey pa ni Ryan.

Willing din si Ryan na turuan ang Korean contestant kung paano magbigay galang at mga culture sa Pilipinas.

Anyway, hindi pinersonal ni Robin ang Korean contestant dahil nag-yes ito bilang hatol sa PGT kaya pasok pa rin ito para bumalik sa show.  Sa mga hindi rin nakaaalam, sidekick si Ryan ni Robin sa bagong serye ng ABS-CBN 2 na Sana Dalawa Ang Puso Ko with Jodi Sta. Mariaat Richard Yap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …