MA at PA
ni Rommel Placente
MAY kwento si Ivana Alawi tungkol sa naging kissing scene nila ni Joshua Garcia sa kanilang unang proyekto.
Sa isang panayam kasi ay natanong ang dalaga tungkol sa tambalan nila ni Joshua, lalo na ang naging intimate scene nila sa serye.
Ayon kay Ivana, talagang “grabe” ang eksena.
Kaya naman nang diretsahang tanungin kung totoo bang si Joshua ay “Higop King,” walang pag-aalinlangang sumang-ayon ang aktres.
“Oo, Higop King, ganoon!” sey ni Ivana, sabay tawa.
Dagdag pa niya, sobrang intense ng eksena at aminado siyang hindi niya inasahan na ganoon pala ka-all out si Joshua pagdating sa kissing scenes.
Ikinuwento pa ni Ivana na nasabi niya sa aktor ang, “Grabe ka naman,” na sinagot naman ni Joshua ng, “Humigop ba?”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com