MA at PA
ni Rommel Placente
TINANONG si Alex Gonzaga sa isang interview sa kanya kung sino ang mas maganda sa kanila ng ate Toni niya.
Ang nagpakatotoong sagot niya,”To be honest, ako! Honest lang tayo, huh!
“Pero sex appeal and talent, baka siya. Baka pa huh! Hindi pa sure,” natatawang sabi pa niya.
Sundot na tanong kay Alex. Kung pure beauty?
“To be honest, ayoko siyang ma-hurt. Pero pwedeng ako.
“Sorry, sorry, pero alam naman niya ‘yun.
“Kasi ‘pag nag-uusap kami, sinasabi niya,” mas maganda ka talaga kaysa akin, Catherine.
“Pero mas ang ate ko sa lahat ng bagay. Mas malakas ang sex appeal niya. Mas tinginin talaga siya (ng mga tao). Mas focused siya (sa work). Lahat ng mas, nasa kanya na,” papuri pa ni Alex sa kanyang nakatatandang kapatid.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com