PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na pansamantalang iwan ang It’s Showtime sakaling mag-decide na silang mag-undergo sa isang proseso ng pagkakaroon ng anak.
Matagal na itong nababalita at napag-usapan, pero dahil timely at napapanahon sa movie nilang Call Me Mother, mas bongga itong napag-uusapan openly.
Feel namin na sobra talagang na-enjoy ni Vice ang role niya sa movie lalo’t napakahusay gumanap ng batang ‘anak’ niya sa movie, si Lucas Andalio.
Pamangkin ni Loisa ang bagets na mukhang magiging active sa showbiz very soon dahil sa talino, guwapo at angkin nitong galing sa pagsasalita.
And yes, going back to meme Vice and Ion’s plan to undergo “surrogacy,” very soon na rin daw ito habang both of them ay malakas, matalino, at may kakayahan pa.
Just wondering kung sila pareho ang magiging donors at iisang nanay lang or si Vice lang at aaktong supportive father si Ion.
Aabangan natin iyan!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com