Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” base sa reklamo ni Phil. Fencing Assoc. President Rene Gacuma.

Kapwa sila nasa Thailand dahil sa ongoing na SEA games.

Nag-compete si Goma sa shooting na nanalo siya ng silver medal, habang sinusuportahan din ang anak na si Juliana, na sa fencing naman napapalaban.

Ayon sa tsika ni Gacuma, nang tangkain daw niyang i-congratulate ang congressman dahil sa silver medal nito, ay tinapakan nito ang isang paa niya nang matindi para ma-out balance siya at agad na halos baliin nito sa pagkaka-diin ang isang daliri niya.

Bukod pa riyan, sunod-sunod umanong pagmumura ang inabot niya nang dahil sa pagkuwestiyon sa kanya kung bakit pinalitan niya si fencer Alexa Larrazabal sa event nito.

Narinig namin ang paliwanag ni Goma sa TV5 News with Cheryl Cosim at hindi naman nito idinenay ang pangyayari, pero siyempre may side siyang lumaban at naghamon din si Gacuma.

Wala pang paliwanag ang matataas na opisyal ng Phil. delegation hinggil sa isyu, pero sa kasalukuyan ay may posisyon si Richard bilang Second Vice President ng Phil. Olympic Committee and at the same time ay director din ito ng Phil. Fencing Assoc.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …

Ruru Madrid

Ruru ‘di man best year ang 2025 maituturing namang meaningful

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG 2026 ay puno ng pasasalamat at pag-asa sa bagong taon …

Jacqui Cara DJ Jhai Ho Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho ‘di big deal matawag na sir o ma’am: Iginagalang ka pa rin naman

RATED Rni Rommel Gonzales CONTROVERSIAL issue ngayon ang pagtawag ng “Ma’am” at “Sir” sa mga …

Dustin Yu Bianca De Vera Kinakabahan Lily

Dustin may inamin sa kanila ni Bianca

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Dustin Yu, tinanong siya kung sino ang …