BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold medalist sa ika-33 Southeast Asian Games na ginanap sa Thailand.
Nanguna si Alegado sa women’s park finals ng extreme skateboard noong Sabado sa Sports Authority of Thailand sa Bangkok.
Nakakuha ang California-based na skater ng iskor na 79.72 upang masungkit ang gintong medalya, tinalo ang siyam na iba pang kalahok sa nasabing event.
Nakamit naman ng kapwa Pilipinang skateboarder at 11-anyos na si Elizabeth Amador ang pilak matapos makapagtala ng 72.03 na iskor.
Nakuha ni Freya Santa ng Thailand ang tansong medalya matapos umiskor ng 64.13. (POC Media pool/HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com