Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport Vehicle (PTV) mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na naglalayong palakasin ang kanilang lokal na kakayahan sa pagtugon sa mga emerhensiyang medikal sa National Capital Region.

Ipinagkaloob ng PCSO sa isang seremonyang ginanap sa pagpupulong ng Metro Manila Council (MMC) ang mga susi ng PTV sa ilang lokal na pinunong naroroon.

Ang inisyatiba ay katuparan ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na bigyan ng PTV ang lahat ng lungsod, lalawigan, at munisipalidad sa ilalim ng Medical Transport Vehicular Donation Program (MTVDP), isang pangunahing estratehiya ng gobyerno upang palakasin ang unibersal access sa emerhensiyang pangangalagang medikal.

“Ang Metro Manila ang puso ng ating bansa, tahanan ng milyon-milyong Filipino. At bagaman mayroon tayong malalaking ospital at pasilidad pangkalusugan dito, alam din natin na ang trapiko, distansiya, at kakayahang maabot ay nananatiling tunay na hamon. Ang mga Patient Transport Vehicle na ito ay makatutulong na tulayan ang agwat na iyon, titiyakin na kapag may mga emerhensiya, mabilis na makararating ang tulong,” sabi ni Robles, idinagdag na “100% ng PTVs ay naipamahagi na, lahat ng LGU sa buong bansa ay mayroon nang mga sasakyang gay anito na nagliligtas-buhay.”

Nanguna sa pagpupulong ang Tagapangulo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Atty. Don Artes, na nagpahayag ng pasasalamat sa Pangulo at sa PCSO para sa suportang ibinigay sa mga LGU ng Metro Manila, sinabing ang ipinamahaging PTV ay malaking tulong sa lokal na sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng mga LGU.

“Ang PTV na nagliligtas-buhay ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagtugon sa mga medikal na emerhensiya, pagtugon sa sakuna, at mga pangangailangan sa transportasyon sa kani-kanilang lokalidad, na bahagi ng mas malawak na layunin ng administrasyon na bumuo ng “Bagong Pilipinas”, kung saan ang de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan ay madaling ma-access, epektibo, at mas malapit sa mga Filipino,” ani Artes.

Sa ngalan ng mga alkalde, nagpahayag din ng pasasalamat si MMC president at San Juan City Mayor Francis Zamora sa PCSO para sa mga sasakyang nagliligtas-buhay na kanilang natanggap.

Binigyang-diin ng pamamahagi ang patuloy na pagsisikap ng PCSO na palawakin ang universal access sa mga serbisyo ng medikal na transportasyon na tumutugon at napapanahon, habang sinusuportahan ang mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Mandatory Contribution – LGU Lotto-Share Checks.

Ang bawat sasakyan ay nilagyan ng stretcher, tangke ng oxygen, wheelchair, first-aid kit, monitor ng presyon ng dugo, at kabinet ng gamot, na nagbibigay-daan sa ligtas at epektibong paghahatid ng pasyente sa mga pasilidad pangkalusugan.

Ang mga tumanggap na LGU ay ang Las Piñas, Caloocan, Malabon, Makati, Mandaluyong, Maynila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, Quezon City, Taguig, San Juan, Valenzuela, at Pateros.

Bukod sa mga PTV, ipinagkaloob din ng PCSO ang Mandatory Contribution – LGU Lotto-Share Checks sa 12 Metro Manila LGUs na sumasaklaw sa dalawang semestre: Hulyo hanggang Disyembre 2024 at Enero hanggang Hunyo 2025. Ang mga tseke na ito ay kumakatawan sa bahagi ng mga LGU mula sa pagbebenta ng mga tiket ng lotto sa loob ng kani-kanilang nasasakupan.

“Ang pagbabahagi ng lotto na ito ay kumakatawan sa pangako ng PCSO na suportahan ang lokal na pamamahala. Ang mga pondong ito ay sa inyo upang gamitin para sa mga programa sa kalusugan, pagtugon sa sakuna, edukasyon, at iba pang serbisyong pangkomunidad na pinakamahalaga sa inyong mga nasasakupan,” sabi ni Robles.

Ang direktang suporta ng LGU ay nakatulong sa mga programang ipinatupad sa lokal, lalo sa mga serbisyong pangkalusugan at mga inisyatiba para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Ang paglalaan ng mga bahaging ito ay iniutos sa ilalim ng Executive Order No. 357-A, na nagtatakda ng pantay na pamamahagi ng bahagi ng kita ng PCSO mula sa lotto sa mga LGU sa buong bansa. (EJ DREW)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About EJ Drew

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …