MA at PA
ni Rommel Placente
HANGGA kami sa magka-loveteam na sina Kim Chiu at Paulo Avelino. Maawain at generous kasi sila. Kung bakit namin ito nasabi?
Nag-donate lang naman kasi sila ng tig-P1-M sa mga naapektuhan ng earthquake sa Cebu City.
Bukod dito, nauna nang nagbigay si Kim ng construction materials.
Hangga’t maaari ay ayaw nila ‘yun ipamalita. Baka kasi isipin ng iba, na tumutulong sila, pero ipinagyayabang naman.
Kaya lang, hindi maiiwasan na malaman ang ginawa nilang pagtulong.
Siyempe, proud ang KimPau faney.
Sabi nga ng isa, “you both blessed KimPau. I salute you both for being generous.”
At ang sabi namn ng isa pa, “good job kimpau. mabait talaga kayo.. pagpalain kayo ng Maykapal.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com