Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xia Vigor Para Sa Isat Isa Krissha Viaje Jerome Ponce

Xia may ka-loveteam na, gustong makatrabaho si Donny

MA at PA
ni Rommel Placente

MIRACLE In Cell No. 7. Ito ang pelikulang maituturing ng dating child star na si Xia Vigor na pinakatumatak sa kanya sa lahat ng mga pelikulang nagawa niya so far.

Katwiran niya, “I feel like that was  one of the biggest projects na naibigay po sa akin. And ‘yun din po ‘yung project na sobrang I really did my best.

“Nag-acting workshop din po ako noon kay tito Raymond Bagatsing. He helped me so much sa project na ‘yun.

“And siyempre, being able to work with those really really great actors. Siyempre, hindi ko po ‘yun makalilimutan.

“Tapos, it’s also the film na laging may nakaka-recognize sa akin.

“It’s also a part of me talaga, ‘yung ‘Miracle In Cell No. 7,’” sabi pa ng batang aktres.

Ang Miracle In Cell No. 7 ay Pinoy adaptation ng isang Korean movie.

Gumanap sa pelikula si Xia bilang anak ni Aga Muhlach.

Pinanood muna niya ang Korean version bago siya sumalang sa shooting.

Samantala, may serye si Xia sa TV5 titled Para Sa Isa’t-Isa. Gumaganap siya rito bilang nakababatang kapatid ni Jerome Ponce.

Isa po ako na normal na teen-ager na I feel like marami pong makakre-relate sa charater ko rito, dahil bina-balance ko ‘yung family life ko tapos my school life.

“May kaunting kilig. Kasi may ka-loveteam po ako rito. So, bagong-bago po sa akin ‘yung loveteam na ganoon. Kaya tina-try ko po na mag-adjust,” anito.

Kung mabibigyan ng chance, si Donny Pangilinan sa mga kabataang artistang lalaki ang gustong maka-work ni Xia.

Hindi naman dahil crush niya ang ka-loveteam ni Belle Mariano. Although she finds  Donny attractive.

Sa tingin niya, may mabuting puso at marunong rumespeto sa mga babae si Donny. At ‘yun ang ikinagusto niya rito. Kaya gusto nya itong makasama sa isang proyekto.

Besides, may hawig din daw ito sa kanyang ka-loveteam na si Gabriel Evangelista.

Bata pa lang nang huli naming makita si Xia. At ngayon ay 16 years old na. At lalong gumanda, huh!

Pwedeng-pwede siyang sumali balang araw sa mga beauty contest.

Nakausap namin si Xia nang mag-guest siya sa online show naming Marisol Academy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …