MA at PA
ni Rommel Placente
BALITANG nag-break na umano ang celebrity couple na sina Ricci Rivero at Leren Bautista.
Ayon sa mga social media user, matagal na nilang napapansin na deleted na ang mga litrato ng dalawa, na magkasama sa kani-kanilang Instagram account.
Sa Instagram page ni Leren, noong October 10, 2024 pa ang huling post niya na makikitang magkasama sila ni Ricci.
Hindi na rin makikita sa IG account ni Ricci ang mga latest picture nila ni Leren. Kaya naman ang feeling ng kanilang followers, naghiwalay na sila
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com