PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
TAMA naman si Sen. Jinggoy Estrada sa pagsasabing siya nga ang higit na pinalalabas na “guilty” sa naging akusasyon o pagdawit sa kanya ni Engr. Bryce Hernandez ng DPWH bilang nakatanggap din ng “kickback” sa pinag-uusapang ‘flood control scandal.’
Nang dahil nga sa previous record niya on ‘plunder’ na pinagdusahan niya sa bilangguan ng ilang taon din, siyempre nga naman, madaling mag-wan-plus-wan ang lahat sa ‘guilt’ niya.
Kaya dapat lang na sampahan din niya ng kaso ang nagpaparatang sa kanya lalo’t sa mismong senado siya nito kumbaga, binastos at dinungisan.
Nagpapahayag din ng suporta ang ilang mga kasamahan at kaibigan niya sa showbiz na naniniwala sa kanya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com