PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NANG dahil nga sa pagkakatsugi ni Sen. Chiz Escudero bilang Senate President, hindi na rin nagsalita pa ang asawa nitong si Heart Evangelista.
Kapansin-pansin nga raw ang biglang pananahimik ng mag-asawa gayung noong mga nakaraang panahon lang ay halos laman din sila ng mga balita.
Matapos ngang ipagtanggol mismo ni Ramon Tulfo si Heart matapos itong tawaging “nepo wife” ng mga bashers, wala na nga ring gaanong reaksiyon pa mula sa kampo nito.
Hindi na nga rin daw makikita sa socmed nito ang mga magagarang posts ng mga international trips, pati na ng mga designer bags, clothes, shoes, jewelries at iba pa.
May nagsasabi ring tila binawasan din ang pagpapalabas ng isang pastfood chain na ineendoso nito ng mga promo ad sa mga TV at ibang multi media platforms.
Hmmm…
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com