Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Trillo Ruru Madrid

Ruru sa pagtatapat nila ni Dennis sa Urian: Inspirasyon at hindi kompetisyon

MA at PA
ni Rommel Placente

WAGI  si Ruru Madrid nang ma-nominate bilang Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival 2024 at sa 8th EDDYS, para sa mahusay niyang pagganap sa  Green Bones.

Na-nominate rin siya sa 73rd FAMAS for Best Supporting Actor para rin sa nasabing pelikula, ‘yun nga lang, hindi siya pinalad magwagi.

Sa darating na Gawad Urian, na gaganapin sa October 11, nominado si Ruru para rin sa Green Bones. Pero hindi sa Best Supporting Actor kundi sa Best Actor.

Para sa Urian, sa tingin nila, gaya ni Dennis Trillo ay bida rin si Ruru sa Green Bones.

Isa si Dennis sa kalaban ni Ruru sa Best Actor category.

Sabi ni Ruru sa kanyang nominasyon sa Gawad Urian.

Para sa akin, isang napakalaking biyaya at karangalan na maging nominado bilang Best Actor sa Gawad Urian.

“Lumaki akong humahanga sa mga haligi ng industriya tulad ni Kuya Dennis Trillo.

“Kaya napaka-surreal na ngayong pagkakataon na magkatapat kami sa parehong kategorya.

“Hindi ko ito tinitingnan bilang kompetisyon, kundi bilang inspirasyon.

“Patunay ito na kahit nagsimula ako bilang underdog, sa sipag, panalangin at tiwala sa proseso, posible pala na makarating ka sa antas na dati ay pinapangarap mo lang,” sabi pa ni Ruru.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ruru Madrid

Ruru ‘di man best year ang 2025 maituturing namang meaningful

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG 2026 ay puno ng pasasalamat at pag-asa sa bagong taon …

Jacqui Cara DJ Jhai Ho Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho ‘di big deal matawag na sir o ma’am: Iginagalang ka pa rin naman

RATED Rni Rommel Gonzales CONTROVERSIAL issue ngayon ang pagtawag ng “Ma’am” at “Sir” sa mga …

Dustin Yu Bianca De Vera Kinakabahan Lily

Dustin may inamin sa kanila ni Bianca

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Dustin Yu, tinanong siya kung sino ang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel hinulaang magkaka-baby at ikakasal ngayong 2026

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING tatay na ba si Daniel Padilla kahit wala pa siyang asawa? …

John Fontanilla Oriña Family Reunion

Reunion ng Fontanilla at Oriña Family matagumpay 

MATABILni John Fontanilla MASAYA at punompuno ng buhay ang naganap na family reunion ng Fontanilla & Oriña last December …