Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde

Arjo sa picture kasama ang mga Discaya: It was a quick ‘hi, hello’

MA at PA
ni Rommel Placente

SA pamamagitan ng kanyang Instagram Story ay mariing itinanggi ni Cong. Arjo Atayde ang paratang ng mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya, na isa siya sa mga kongresistang sangkot sa umano’y mga kickback mula sa flood control projects.

Post ni Cong. Arjo, “I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor. I have never dealt with them. Hindi totoo ang mga akusasyon na ito.  

“I have never used my position for personal gain, and I never will. I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods.” 

Samantala, hindi na rin napigilan ni Maine Mendoza na magsalita matapos idawit ng mag-asawang Discaya ang mister na si Cong. Arjo sa flood control anomaly.

Sa pahayag sa kanyang X account, tahasang ipinagtanggol ni Maine si Cong. Arjo at nanindigang walang ginagawang masama ang mambabatas.

“Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out. I am with my husband in this. Wala siyang ginagawang masama sa loob,” saad ni Maine.

Giit pa niya, mula’t simula ay tapat na naglilingkod si Arjo sa kanyang distrito sa Quezon City.

Kaya nananalangin siyang mapanagot ang totoong may sala sa isyu at hindi makaladkad ang mga inosente.

“He has been doing his best to serve the people of his district in Quezon City since the beginning. I sincerely hope and pray that the people who are TRULY responsible will be held accountable and that innocent individuals be spared from this mess. Napaka unfair,” aniya pa.

In fairness, matinong congressman si Arjo, huh! Kaya hindi kami naniniwala na sangkot siya sa flood control anomaly.

Sa kabilang banda, inamin naman ni Arjo na totoong nakilala niya ang mag-asawang Curlee at Sarah noong 2022. Kumalat kasi sa socil media ang litrato ng aktor kasama ang mag-asawa matapos siyang pangalanan sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Ani Arjo, “Totoo na pumunta sa opisina sina Sarah at Curleen. Totoo na pumunta sa opisina namin ang mga Discaya. This was around 2022 and we met with them just like any visitor to our district office.

“It wasa quick ‘hi, hello’ and picture-taking since it wasn’t a planned meeting. it was the first and last time I met with them.

“We never talked anything about any project. And I’ve never dealt with them,” giit ng aktor/politiko. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …