MA at PA
ni Rommel Placente
DUMALO ang mag-ex na sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa birthday party ni Dr. Aivee Aguilar Teo, owner ng ineendoso nilang beauty clinic noong Friday ng gabi. Kasama ni Dom na dumating ang dyowa niyang si Sue Ramirez.
Siguradong nagkita sila roon.
Pero ang tanong, nagbatian kaya sina Bea at Dominic, o nagdedmahan?
Sa mga picture na lumabas, wala roon na magkakasama sina Bea, Dom, at Sue.
May isang kasama sa panulat ang nagsabi na tiyak hindi papansinin ni Bea si Dominic, at iiwasan ito. Galit daw kasi ang una sa huli.
Si Dominic daw kasi ang nakipag-break kay Bea, ayon mismo sa aktres sa panayam sa kanya noon ni Boy Abunda.
Sa mga naroon sa okasyon, sila ang makapagsasabi kung nagkaroon ba ng dedmahan kina Bea at Dominic.
At kung mayroon man, tiyak ikukwento nila ‘yun.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com