MA at PA
ni Rommel Placente
IPINANGALANDAKAN na nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez ang kanilang relasyon nang ipagdiwang ang kanilang first anniversary.
Punumpuno ng pagmamahal ang ipinakitang video ni Echo para sa kanilang masasayang tagpo sa isang beach ni Janine. May caption iyong, ““One year and one day with this one.”
Napaka-sweet ng kanilang anniversary celebration na talaga namang kitang-kita kung gaano ka-sweet si Janine kay Echo. May mga yakap at halik pa ang aktres.
Sa caption sinagot iyo ni Janine ng, “Hahahha baba!!!!! The best time with you!!! Happy anniversary, I love youuuuu.”
Marami namang netizen at kapwa celebrities ang pinusuan ang naturang post.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com