Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rodjun Cruz Dianne Medina Dasuri Choi Boy Abunda

Rodjun sa mga basher: mga inggit ‘yan

MA at PA
ni Rommel Placente

GAYA ng ibang artista, hindi  rin nakaligtas sa bashers ang celebrity couple na sina Rodjun Cruzat Dianne Medina.

At hindi lang sila ang binabanatan, damay pati ang kanilang dalawang inosenteng anak.

Sa guesting ni Rodjun sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi niya  kung paano nila hinaharap ni Dianne ang mga basher.

“Ako po talaga, kami ni Dianne, kinakausap ko siya kasi ang mga basher, mga inggit ‘yan eh. Wala naman silang ibang ginagawa sa buhay kundi mag-bash, magbaba ng mga tao,” sabi ni  Rodjun.

Sey pa ng gwapong mister ni Dianne, “Alam namin ‘yung totoo, alam namin ‘yung hard work. At saka si Dianne rin, siyempre nag-start pa lang din siya mag-diet, bina-bash siya about sa weight niya, sa lahat ng ginagawa niya.

“Pero ‘yung wife ko kasi, sobrang love na love ko siya and na-appreciate ko ‘yung ginagawa niya for the family.

“And hindi kasi nila alam kung ano ‘yung hirap ng isang nanay, kung ano ‘yung pinagdaraanan ng isang nanay,”.

Pagpapatuloy pa niya, “Kasi ako, mas lalo kong minahal si Dianne noong nandoon ako sa ospital noong nag-give birth kay Isabella, so nakita ko ‘yung sacrifices niya, ‘yung hirap na pinagdaanan niya, ‘yung ginagawa niya sa family.

“So ang sinasabi ko sa kanya, huwag niya pansinin ‘yung mga negative, roon tayo sa positive, at least wala tayo nasasagasaan na kahit na sinong tao. 

“Enjoy natin ‘yung life and sobrang blessed tayo to be stressed. So enjoy life,” dagdag pa ni Rodjun.

Ang dalawang anak nina Rodjun at Dianne  ay sina Rodolfo Joaquin Diego III at Maria Isabella Elizabeth. 

Ayon kay Rodjun, wala na silang balak ni Dainne na dagdagan pa ang mga ito. Okey na sa kanila ang dalawang anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …