MA at PA
ni Rommel Placente
TRUE kaya itong nakarating sa aming tsika, na umano’y nagsuplada ang isang beteranang aktres nang dumalo sa isang event?
Ayon sa aming source, nang matapos ang event, panay daw ang tawag ng mga faney sa beteranang aktres para magpa-picture. Pero dedma lang daw ito, as in parang walang narinig.
Malakas namam daw ang pagkakatawag ng mga faney sa pangalan ni beteranang aktres. Kaya imposible raw na hindi sila nito narinig.
Dagdag pang tsika ng aming source, nagalit daw ang mga faney sa beteranang aktres dahil nga sa pangdededma nito sa kanila.
Kaya nag-dialogue raw ang mga ito ng ‘Hindi naman pala siya maganda sa personal. Maputi lang siya.”
Sino si beteranang aktres? Gabi-gabi ay napapanood siya sa isang serye.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com