Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
HLA Hello Love Again Alden Richards Kathryn Bernardo Cathy Garcia-Sampana.

HLA ninega entry ng PH sa Oscars 7 iba pang pelikula pinagpipiliian

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MARAMING negative reaction ang nakuha ng pelikulang Hello, Love, Again bilang isa sa mga kasama sa inilabas ni FDCP Chair Joey Reyes na shortlisted movies na possible entry ng Pilipinas sa OSCARS.

Matitindi ang negative reaction na nakagugulat lalo’t ang naturang film ang highest grossing local Pinoy movie of all time. Pagpapatunay na napakarami ang nakapanood nito here and abroad. 

Pero tama nga naman ang maraming nagsasabi na iba ang quantity sa quality na dapat ay higit na tinitingnan para sa gaya ng Oscars.

Personally, bilang napanood din namin ang  movie ay naniniwala rin kami na mayroon pang mas deserving na maisama sa short list. But then again, may sariling proseso ang Film Development Council of the Philippines sa mga bagay-bagay na posibleng naging dahilan kung bakit napasama sa  “possible entries for consideration” ang Hello, Love Again nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na idinirehe ni Cathy Garcia-Sampana.

Ang ilan pa sa mga nasa shortlist ay ang mga sumusunod: Sunshine ni Maris Racal na idinirehe ni Antoinette Jadaone; Green Bones nina Dennis Trillo at Ruru Madrid ni direk Zig Dulay, Song of the Fireflies ni Morissette Amon, under direk King Palisoc; Food Delivery: Fresh From the West Phil. Sea, na isang dokumentaryo ni direk Baby Ruth Villarama, Magellan ni Lav Diaz, at ang Some Nights Feel Like Walking, isang LGBTQ film na pinagbibidahan nina Argel Saycon, Gold Azeron, Jomari Angeles, Miguel Odron, at Elijah Canlas, sa direksiyon ni Petersen Vargas.

Ang mga nasabing shortlisted movies ay pawang may kanya-kanyang award na natanggap mula sa iba’t ibang festivals here and abroad, lalo na ‘yung mga gaya ng Sunshine, Green Bones, Song of the Fireflies, at Magellan.

Sa hinaba-haba ng panahon na naghintay tayo na magkaroon ng official entry sa Oscars, sana nga ay magkaroon na tayo this time (for 2026) dahil ang ilan sa mga nabanggit na movies ay tunay namang Oscars worthy ang kalidad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …